Sunday, May 28, 2023

How do you exactly tell people na STEM ka, without actually saying na STEM ka?

Karamihan sa mga estudyante ay siguro na iintimidate kapag sinabi or nabanggit na STEM ka. Actually, being a STEM student is fun minus the fact na napapalibutan ka ng computations and anything science. Lots and lots of one of a kind experiences. Pero diba that's life naman? You have to face challenges in order to grow. Sa STEM, makaka experience ka ng mga bagay bagay na akala mo mararanasan mo lang sa college or whatsoever like have you ever collected water samples sa pond just to know if tama pa ba yung ph level nya and if good pa ba sya sa mga aquatic species na nandoon? I don't think so. 

Sa STEM, maeexperience mo lahat 'yun. Although I believe na iba iba ang experience ng bawat strand, pero sa STEM nandito na lahat. Kaya nga sya tinawag na Science Technology Engineering and Mathematics eh. Sakop nya lahat yung mga knowledge na a person needs to know most likely if that person wants to have a path na related sa strand na ito. You want to become a biologist? Do STEM and you'll experience it lalo na sa work immersion subject nyo. Gusto mo maging mathematician? Go STEM. Physics, statistics and probability, general mathematics, pre-calculus, basic calculus, and even chemistry na pinag halong math and science. In here, you'll know what it's like to go out of every simple thing. Critical thinking, analyzation skills, friendliness? Nasa STEM na yan lahat. And yung scientific calculator, periodic table and yellow pad? Those are your new best friends.

Now, in relation to how do you exactly tell people na STEM ka without saying na STEM ka, here is a video on what we actually do.

Friday, May 19, 2023

Recommendations: Lipton Green Tea Fertilizer to Compare Studies on Loose Leaf Lettuce


For further improvements, these recommendations are given to inform future researchers for a much more effective research study. 



Water the plant only when the soil stops being moist.  

    Huwag na huwag didiligan ang tanim na lettuce kapag nakitang basa pa dahil ito ay nakakaapekto sa pag tubo ng halaman. Maaaring bumagal ang pag laki at maging mahina ang seedlings. 

Because lettuce needs constant sunlight, store the plant where it could get sufficient sunlight every day. 

    Ang lettuce ay isang halaman na sobrang nakakakuha ng lakas sa sikat ng araw. Ipwesto ito sa lugar kung saan pwede itong makakuha ng sapat na araw sa loob ng 5 hanggang 6 na oras kada araw. 

Do not take the eyes off the plant and observe every day to be able to know if a nutrient deficiency showed.

    Huwag kakalimutang icheck ang tanim para makita kung may namuumuo na bang nutrient deficiency para maagapan sa mabilis na panahon kung sakaling meron man katulad na lang ng paninilaw ng halaman o signs na merong peste na kumakain sa tinanim na halaman. 

Try to use more than 4 - 5 teaspoons of Lipton green tea fertilizer.  

    Sa pag aaral na aming ginawa, ang ginamit na amount ng pataba na gawa sa Lipton green tea ay 4-5 na kutsarita lamang, at base sa resulta ng pag aaral ito ay maaaring kulang. Nirerecommend na gumamit ng mas mahigit na 4-5 na kutsaritang pataba para mas lalong makita ang resulta ng pag aaral. 

Instead of a fertilizer application of every 10 days, applying fertilizer every 7 days might contribute on a different result.

    Isa pang dahilan na maaaring nakapag contribute sa resulta ng nasabing pag aaral ay ang panahon ng paglalagay ng mataba. Maaaring masyadong matagal ang pagitan kaya hindi masyadong tumubo ng sobra ang lettuce kaya nirerekumenda na mag lagay ng pataba sa pagitan ng 7 araw. 


Ang mga rekomendasyon na ito ay maaari o maaaring hindi makatulong sa pagpapatubo ng lettuce ngunit base sa aming pag aaral, ito ang sa tingin namin ang makakabuti para tumubi ng healthy at malaki ang lettuce kung sakaling makakapag isip isip na gusto pala ninyo na mag tanim ng iba't ibang uri ng lettuce. 

Monday, May 15, 2023

STEM

supersySTEM: Life as a STEM student. 

STEM--, sa karamihan tunog nakakatakot siguro dahil maraming math or maraming science. Intimidating kumbaga. Pero hindi lang doon umiikot ang buhay sa STEM. Masaya dahil maraming new experiences. Katulad na lang ng makikita sa video na ito.  

photo source: https://www.pinterest.ph/redbubble/

https://youtu.be/-QdvKF5a094

This video's about our experience in the journey of our work immersion sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources and other clips that can scream STEM. 

Thursday, April 27, 2023

Using Lipton Green Tea Fertilizer to Compare Studies on Loose Leaf Lettuce




In today's era where the inflation rate is high and all the goods and necessities like food are being sold expensive, isa sa mga paraan para makatipid ay ang pag gamit ng kanyang sariling kakayanan sa pag tatanim ng mga gulay katulad ng lettuce na karaniwang inihahanda bilang sahog sa mga salad kasama ng iba iba pang mga gulay. 

But in order to successfully grow a plant, siyempre ito ay nangangailangan ng mga nutrisyon na isa sa mga pinaka importante para tumubo ito ng malusog. Ngunit dahil tayo nga ay nasa panahon kung saan ang mga bilihin ay sobrang mamahal, maaari tayong gumamit ng mga alternatibong pataba katulad na lang ng used green tea. Ang karaniwang brand ng tsaa na kinukonsuma ng karaniwan ay ang Lipton. Ito ay madalas makita sa mga kitchen waste na tinatapon lamang dahil sa tingin ng iba ay wala na itong gamit. That is one misconception. Used tea grounds can still be used as an alternative for fertilizer dahil base sa mga pag aaral, ito ay nag lalaman ng mga nutrisyon na kinakailangan ng mga leafy vegetables para tumubo. Ito ay ang nitrogen, phosphosrus at potassium commonly known as the NPK nutrients.

Sa aming ginawang pag aaral, we gathered 3 different varieties of loose-leaf lettuce (Lactuca sativa): red grand rapids, green grand rapids at black Simpson lettuce, to test if using leftovers Lipton green tea grounds has an effect on the growth and quality of the said lettuces. Ang lahatang resulta ng nasabing pag aaral ay nag pakita ng pinaka epektibong outcome sa red grand rapids dahil sa statistical results nitong mas mababa sa proposed alpha level na 0.05 in terms of the number of leaves, height of plant and growth rate but not in terms of the surface area. Ito ay nag kakahulugan na mayroon itong sapat na ebidensya para mag patunay na ito ay epektibo. Samantalang ang natitirang dalawang replicates ay hindi nag kakaiba sa kanilang mga resulta. Ito ay walang significant difference na nag kakahulugan na wala ito masyadong sapat na ebidensyang nag papatunay na epektibo ang alternative fertilizer sa green grand rapids at black Simpson lettuce. 

How do you exactly tell people na STEM ka, without actually saying na STEM ka?

Karamihan sa mga estudyante ay siguro na iintimidate kapag sinabi or nabanggit na STEM ka. Actually, being a STEM student is fun minus the f...